SaanToll ↗

PRIVACY

MAIKLING BERSYON

Optional ang account. Walang tracking sa app. Walang binebenta.

Ang SaanToll ay toll calculator para sa mga expressway ng Pilipinas — sa web (saantoll.com) at bilang mobile app. Ito ang buong kwento kung anong data ang dumadaan sa amin. Maikli lang, kasi kaunti lang talaga.

SA MOBILE APP

Kapag hindi kayo naka-sign in, walang kinokolekta. Lahat ng ginagawa niyo sa app — mga huling biyahe, piniling wika, mga setting — naka-save lang sa phone niyo mismo at hindi ipinapadala kahit saan. Gumagana ang buong calculator kahit walang account. At naka-sign in man kayo o hindi: walang ads, walang analytics, walang location tracking.

Kumokonekta ang app sa saantoll.com para kunin ang pinakabagong toll rates. Anonymous na web request iyon — walang account, ID, o anumang personal na impormasyong kasama, at kapag offline kayo, gagana pa rin ang app gamit ang naka-bundle na rates.

Optional na account, para lang sa saved na ruta. Kung gusto niyong mag-save ng ruta (MGA RUTA KO / I-SAVE), kailangan niyong mag-sign in — gamit ang Apple o Google sa iPhone, o Google sa Android. Ito lang ang feature na nangangailangan ng account. Kapag nag-sign in kayo, ito lang ang iniimbak namin:

Naka-imbak ang mga ito sa server ng SaanToll sa Cloudflare (api.saantoll.com), at ginagamit lang para ma-sync ang mga ruta niyo sa iba't ibang device. Hindi ito ginagamit para sa ads, analytics, o tracking, at hindi namin ito binebenta kahit kanino.

Pwede niyong burahin ang account niyo mismo sa app: About → "Burahin ang account ko", tapos kumpirmahin nang dalawang beses. Mabubura agad sa server ang account, mga session, at lahat ng saved niyong ruta. Pwede rin sa website — tingnan ang KAPAG NAG-SIGN IN KAYO sa ibaba.

SA WEBSITE

Dalawang analytics ang ginagamit ng saantoll.com, para malaman naming ginagamit nga ang site:

Ayaw niyo ng Google Analytics? Pwede kayong mag-install ng opt-out browser add-on ng Google, o gamitin ang private/incognito window o anumang tracker blocker — gagana pa rin nang buo ang calculator.

Ang mga biyaheng kinukwenta niyo ay hindi namin nakikita o iniimbak — ang buong kalkulasyon ay nangyayari sa browser niyo.

KAPAG NAG-SIGN IN KAYO (OPTIONAL)

Pwede kayong mag-sign in para ma-sync ang mga saved na ruta niyo sa iba't ibang device — sa website gamit ang Google, at sa mobile app gamit ang Apple o Google (Google lang sa Android). Optional 'to — gumagana ang calculator kahit hindi kayo naka-sign in. Sa website, walang feature na naka-lock sa likod nito; sa app, ang pag-save lang ng ruta ang nangangailangan nito.

Kapag nag-sign in kayo sa website, ito lang ang iniimbak namin: pangalan, email address, profile picture (galing sa Google), at ang listahan ng mga saved niyong ruta. Sa app, ang nakalista sa SA MOBILE APP sa itaas. Hindi namin nakikita ang password niyo sa Apple o Google — hindi 'yon dumadaan sa amin kahit kailan. Nasa Cloudflare D1 naka-imbak ang mga ito.

Pwede niyong burahin ang account niyo anumang oras: sa website, pindutin ang account chip sa itaas ng site, tapos "Burahin ang account ko"; sa app, About → "Burahin ang account ko". Mabubura agad ang lahat ng personal na data at saved na ruta niyo.

KAPAG NAG-SUGGEST KAYO NG RUTA

May button sa app na "Wala ang ruta niyo? Sabihin mo." Kung gagamitin niyo, ang ipinapadala lang ay ang pangalan ng dalawang lugar at ang note na isusulat niyo — walang pangalan, email, o anumang contact info na hinihingi. Huwag na lang magsulat ng personal na impormasyon sa note.

Nag-iimbak din kami ng isang naka-hash (hindi mababasa) na bersyon ng IP address para lang pigilan ang spam — hindi ito ginagamit para tukuyin kayo.

ANG HINDI NAMIN GINAGAWA

THIRD PARTIES

Naka-host ang site at ang server ng app sa Cloudflare (hosting, database, at ang cookie-less analytics sa itaas). Ang iba pang third party: Google Analytics para sa website analytics, at Google Sign-In at Sign in with Apple kung pipiliin niyong mag-sign in.

MGA KARAPATAN NIYO

Sang-ayon sa Data Privacy Act of 2012 (RA 10173), may karapatan kayong malaman, itama, o ipabura ang anumang personal na data namin tungkol sa inyo. Kung naka-sign in kayo, self-serve na ang pagbura (tingnan sa itaas). Kung may tanong kayo o gusto niyong humiling nang manu-mano, sulatan niyo kami: info@stratagemlabs.dev.

Kung mag-iiba ang patakarang ito, ia-update ang pahinang ito at ang petsa sa ibaba bago magbago ang anumang gawi.


HULING BINAGO: OKTUBRE 7, 2026 · SAANTOLL.COM/PRIVACY